MOSCOW (AP) — Nagbanta si two-time Olympic pole vault champion Yelena Isinbayeva na magsasampa siya ng reklamo sa international tribunal kung magpapatuloy ang kanyang suspensiyon sa Russian track and field at pagbabawalan siyang lumahok sa Rio Games.
“It’s a direct violation of human rights, discrimination,” pahayag ni Isinbayeva.
Kasalukuyang suspendido ang Russia’s athletics federation ng IAAF matapos matuklasan ng World Anti-Doping Agency commission ang umano’y pagmamanipula sa drug test ng state-sponsored doping.
Inaasahang maglalabas ng bagong desisyon ang IAAF kung pananatilihin ang suspensiyon o papayagan ang Russian athletes na sumabak sa Rio Olympics sa Agosto 5-21.
“In the case of a negative ruling for us, I will personally go to an international court regarding human rights,” sambit ni Isinbayeva. “And I’m confident that I’ll win.”
Sa panayam sa Russian star sa pamamagitan ng Skype, ipinakita ni Isinbayeva ang mga dokumento at resulta ng kanyang drug tests kung saan negatibo ang lahat ng mga ito, sapat na para umano payagan siyang lumahok sa Rio Games.
“Of course I’m angry because of this helplessness. All I can do now is train,” aniya.
Iginiit niya na ang parusang ito ay makasisira sa career ng mga batang atleta sa Russia.
“Four years, it’s a long time. Many of them can be, how can you say, broken.” pahayag ni Isinbayeva, patungkol sa posibilidad na sa 2020 pa payagang makalaro ang mga Russian.
Nauna rito, ipinahayag ni Nataliya Zhelanova, key adviser ni Russian Sports Minister Vitaly Mutko, na susuportahan nila ang plano ng pamahalaan na gawing criminal offense ang doping.
“It’s quite a long procedure but now everyone understood that we are in crisis and we have to do quick steps to fix the situation,” ayon kay Zhelanova.