Isabelle de Leon - MM copy copy

LABIS ang pasasalamat ni Isabelle de Leon na after thirteen years, muli siyang nakabalik sa GMA Network.

Sa Kapuso Network naman talaga nagsimula si Isabelle noong child star pa siya. Agad nagmarka si Isabelle sa pagganap niya bilang ang lumpong kapatid ni Jiro Manio sa award-winning movie na Magnifico.

“Dito na po kasi ako lumaki sa GMA,” sabi ni Isabelle. “Kaya nakatutuwang I’m back again.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

From GMA, napanood na rin si Isabelle sa TV5, na mabuti’t pinayagan siyang umalis pagkatapos niyang regular na mapanood sa Wattpad series.

“Wala po naman akong contract sa TV5, madalas lang nila akong igini-guest sa Wattpad. Ngayon pong Viva na ang nagma-manage ng entertainment TV nila, wala po naman silang ibinibigay na project sa akin kaya sinubukan naming lumapit sa GMA.

“At ang ganda nga po na paglapit ko sa kanila, binigyan nila agad ako ng project, itong Magkaibang Mundo with Direk Gina Alajar, Louise de los Reyes, Juancho Trivino. Ako po ang kontrabida sa buhay ni Louise as Princess.”

First time pa lang niyang gaganap bilang kontrabida.

“Ang hirap po palang magkontrabida. Nasanay po akong inaapi, child star pa lang ako, ang hirap po pala ng nang-aapi.

Sorry ako nang sorry kay Louise tuwing matatapos ko siyang sampalin, sabunutan, pero okey lang daw sa kanya.

Pinipilit ko po naman na hindi masyadong masaktan si Louise, nakaka-guilty.”

Napapanood na ang Magkaibang Mundo araw-araw sa Afternoon Prime ng GMA-7 pagkatapos ng Eat Bulaga.

Naitanong namin kay Isabelle kung alam ba niya ang nangyari sa kanyang Kuya Jiro ngayon.

“Opo. Nang malaman ko nga po iyong nangyari sa kanya sa airport, niyaya ko si Daddy na puntahan namin siya. Pero iyon, nalaman naman po namin na tinulungan na siya ni Ms. Ai Ai (delas Alas) at naipasok sa rehab. Nakakalungkot po ang nangyari, pero sana mabigyan pa siya ng isa pang chance at maging masaya na siya sa family niya.”

(Nora Calderon)