Ang pagpapatigil sa contractual employment ang dapat na bigyan ng prioridad ni dating Justice Secretary Silvestre Bello III kapag naupo na ito bilang bagong kalihim ng Department of Labor and Employment (DoLE).

Kabilang sa mga grupong nagbunyi sa pagkakapili ni incoming President Rodrigo Duterte kay Bello bilang susunod ng DoLE secretary ay ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), ang pinakamalaking grupo ng manggagawa sa bansa.

Bukod sa kanyang posisyon bilang DoLE chief, sinabi ni Duterte kamakailan na si Bello rin ang tatayong lead consultant sa prosesong pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF).

“Wala kaming problema sa pagkakatalaga kay Ginoong Bello bilang DoLE secretary. Alam niya at dati na namin siyang nakatrabaho sa mahahalagang isyu na nakaaapekto sa mga manggagawa sa mga nakaraang Kongreso,” dagdag ni Tanjusay.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Umaasa kami na mayroon agad siyang magagawa upang mapabuti ang kapakanan ng mga manggagawa, tulad ng pag-aahon sa kanila sa kahirapan, abolisyon ng contractual o irregular work scheme, at pagsusulong ng karagdagang benepisyo sa mga manggagawa,” giit ng TUCP spokesman.

Maging ang makakaliwang Kilusang Mayo Uno (KMU), na pinamumunuan ni Elmer Labog ay sumusuporta sa pagkakapuwesto kay Bello sa DoLE.

Naniniwala rin si Labog na tutuparin ni Duterte ang kanyang pangako na tutuldukan ang contractual employment sa bansa. (Samuel P. Medenilla)