“Bahala siya”. Ito ang reaksyon ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares sa plano ni incoming President Rodrigo Duterte na i-abolish ang ahensya.

Diin ni Henares, desisyon na ni Duterte kung gagawin nitong pribado ang BIR. Tumanggi na rin siyang magkomento sa pahayag ng huli na isa sa pinaka-corrupt na ahensya ng pamahalaan ang BIR, sinabing “opinion niya [Duterte] ito at hindi na dapat pag-awayan pa!”

Gayunman, binigyang-diin ni Henares na tumaas ang koleksiyon sa buwis kada taon simula nang maupo siyang BIR chief.

Mahigit isang buwan na lamang ang itatagal ni Henares sa kanyang puwesto. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'