DAKAR, SENEGAL (AFP) – Ang app na nagpapahintulot sa mga doktor sa mga liblib na lugar na humingi ng payo mula sa eksperto sa malayo ang nagwagi ng first prize sa Africa na kumikilala sa mga bagong teknolohiya na tumutulong sa kalusugan sa kontinente. Sinabi ng pangunahing tagapagtaguyod ng parangal, ang French international public radio station na RFI, na 15,000-euro ($16,700) grant ang iginawad sa Dakar kay Cheick Oumar Bagayoko, “a young Malian doctor and computer engineer”.
Tinalo ng app ni Bagayoko na “Bogou” ang mahigit 650 pang iba mula sa mga bansa sa Africa para sa premyo na nanalo rin ng suporta mula sa tech giants gaya ng Microsoft, Facebook at Orange.
Ang winning app ay isang “tele-expertise tool available via a computer connected to the Internet”, sinabi ng RFI sa isang pahayag. “Bougou allows doctors working in remote areas to ask for advice from specialists from a distance.”
Maaaring magpaskil ang mga doktor ng mga detalye ng problema ng kanilang pasyente sa mga specialist na naka-log on sa secure app.