Anthony at US President Obama copy

SUMAGLIT si US President Barack Obama na mananghalian at uminom ng beer kasama ang Parts Unknown host sa Vietnam, na iniulat ng White House na isasahimpapawid sa show ni Anthony Bourdain sa CNN sa Setyembre.

Ibinahagi ni Bourdain ang detalye ng katangi-tanging outing kasama ang commander in chief, at sinabing hindi na sila naghati sa pagbabayad ng mga kinain at ininom nila.

“Total cost of bun Cha dinner with the President: $6.00. I picked up the check,” tweet niya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Low plastic stool, cheap but delicious noodles, cold Hanoi beer,” dagdag niya sa isa pang tweet, kalakip ang larawan nila ni Obama.

Maliban dito, hindi naiwasan ni Bourdain na purihin si Obama sa paggamit ng kubyertos. Ibinahagi TV personality sa Instagram ang litrato ni Obama at sinabing, “The President’s chopstick skills are on point.”

Samantala, may dahilan kung bakit naglilibot si Obama sa Asya.

Si Obama ang unang U.S. president na bibisita sa Hiroshima matapos ang World War II bombing sa Japan noong 1945. 

(ET Online)