pacman copy

Magsasagawa ng ‘extraordinary’ Congress meeting ang International Boxing Federation (AIBA) para amyendahan ang ilang probation, kabilang na ang pormal na pagtanggap sa mga professional boxer na makasabak sa gaganaping Rio de Janeiro Olympics sa Agosto 5-20.

Ayon kay Alliance Boxing Association of the Philippines (ABAP) executive director Ed Picson, kabilang ang Pilipinas sa dadalo sa naturang convention na ipinatawag ni AIBA president Ching Kuo-Wu sa Switzerland.

Sentro ng debate sa boxing community ang proposal na amyendahan ang Article 13(J) ng IBA Statutes kung saan nakasaad ang kautusan na “To govern, organize, promote and represent the sport of boxing in accordance with the AIBA Statutes, AIBA Bylaws, AIBA Technical Rules, AIBA 3 Program Competition Rule, AIBA Code of Ethics, AIBA Disciplinary Code,

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

AIBA Procedural Rules and the AIBA Anti-Doping Rules within its territory by establishing appropriate rules and regulations concerning the practice of the sport and the eligibility of boxers to participate in national competitions and AIBA Competitions.”

Ayon kay Picson, malinaw ang mensahe ni Dr. Wu sa sulat na ipinadala sa ABAP.

“The motion to amend Article 13(J) of the AIBA Statutes is a historical cornerstone for the future development of our sport since it allows AIBA and its National Federations to determine boxer’s eligibility status and extending to the applied rules of the sport and athlete’s at events organized or endorsed by AIBA within the territory or jurisdiction,” ayon sa sulat ni Dr. Wu sa ABAP.

“As AIBA enters its 70th year and celebrates boxing’s rich history, this proposal to amend Article 13(J) ensures it will be at the forefront of the international sports movement and empowers Member Federations to decide which boxers to enter into competition. I look forward to seeing you in Lausanne for this important milestone for the advancement of our sport,” aniya.

“Dr. Ching Kuo-Wu sounds dead sure the AIBA congress will ratify the change because he had spoken to all the national federations and there have been no objections,” sambit ni Picson.

Sakaling maamyendahan, kumpiyansa si Picson na pag-iisipag mabuti ni Manny Pacquiao ang imbitasyon ng AIBA na sumagupa sa Rio Olympics.

May hanggang Mayo 27 ang eight-division world champion para sagutin ang imbitasyon ng AIBA.

“Malaki ang tyansa natin sa Olympics kung kasama nating lalaban si Manny (Pacquiao),” ayon kay Picson.

Sa huling mensahe ni Dr. Wu sa ABAP, iginiit nito na agad siyang pasabihan sakaling nakapagdesisyon na si Pacman.