adele1 copy

LONDON (AFP) – Pumirma ng panibagong kontrata ang British singer-songwriter na si Adele sa Sony sa halagang £90 million (117 million euros, $131 million), sa isa sa mga pinakamalaking record deal, ulat ng British media.

Ang 28 taong gulang na si Adele ang kinilalang biggest selling artist sa buong mundo noong nakaraang taon, hinigitan niya ang sales records sa Britain at United States sa kanyang ikatlong album na 25 at kanyang hit track na Hello.

Lumalabas na ang Grammy-award-winning singer ay lumipat na sa music giant na Sony.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hindi binanggit kung ilang album ang kinakailangang ilunsad ni Adele sa ilalim ng kontrata ngunit sinabi ng isang industry source na “it gives Sony the rights to release her future music exclusively around the world”.

Kinilala si Adele bilang pinakamayamang babaeng mang-aawit sa Britain sa pinakabagong Sunday Times Rich List, tinatayang nagkakahalaga ng £85 million, hanggang £35 million sa nakalipas na taon.

Isiniwalat ng source sa The Sun nitong Lunes na: “We’ve secured Adele, who’s without doubt the biggest music star in a generation. This is massive.”