Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang negosyanteng Filipino-Chinese na unang nahatulan ng korte dahil sa pagkamkam sa milyun-milyong pisong halaga ng insurance claim mula sa isang mayamang negosyante.

Dinakip ng mga operatiba ng QCPD si Ritchie Alvin Lim, 43, na gumagamit ng mga alyas na “Wilson Dy” at “Alvin Tan,” sa Araneta Center, Cubao, sa bisa ng arrest warrant.

Si Lim ay nahatulan ni QC Regional Trial Court (RTC) Branch 88 Judge Rosanna Fe Romero Maglaya, batay sa Criminal Case No. Q-138934-36 dahil sa pagkakasangkot sa multi-milyong piso na insurance fraud, na ang nabiktima ay isang matandang Filipino-Chinese.

Bukod dito, nahaharap din si Lim sa kasong concealing true name sa ilalim ng Article 178 ng Revised Penal Code, at mayroon pang dalawang arrest warrant na inilabas laban sa kanya ang Mandaluyong City Metropolitan Trial Court Branch 59. - Jun Fabon

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho