Pinarusahan sa indirect contempt ng Court of Appeals (CA) si Senator Antonio “Sony” Trillanes IV sa mga “malisyosong” pahayag laban sa mga mahistrado.

Sa 15-pahinang resolusyon na inilabas nitong Lunes, nagpataw din ang Special 11th Division ng P30,000 multa kay Trillanes sa mga alegasyon nito na binayaran ng kampo ni Makati City Mayor Junjun Binay ang dalawang mahistrado ng CA Sixth Division ng P25 million bawat isa para maglabas ng temporary restraining order (TRO) at pigilin ang suspension na ipinataw ng Office of the Ombudsman (Ombudsman) laban kay Binay.

Sa resolution na isinulat ni Associate Justice Stephen Cruz, binigyan si Trillanes ng 30 araw para maghain ng kanyang komento at hindi ng “motion to dismiss” sa contempt charges na isinampa laban sa kanya.

Kaugnay nito, binigyan ng CA ang kampo ni Binay ng limang araw para sagutin ang mga komentong ihahain ni Trillanes.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nilinaw ng CA na kapag ang dalawang partido ay hindi naghain ng anumang “pleadings”, ang kaso ay idedeklarang “submitted for resolution”.

Sumang-ayon sa desisyon sina Associate Justices Myra Garcia-Fernandez at Melchor Sadang. - PNA