HONOLULU (AP) – Limang katao ang namatay matapos bumulusok ang isang skydiving tour plane at nagliyab sa Hawaii, noong Lunes.

Nangyari ito dakong 9:30 a.m. sa isla ng Kauai, sinabi ng county fire department. Sakay ng eroplano ang isang piloto, dalawang skydive instructor at dalawang tandem jumper. Apat sa kanila ang idineklarang patay sa crash site, sa labas ng Port Allen Airport. Isang lalaki ang dinala sa Wilcox Memorial Hospital, kung saan ito namatay.

Iniimbestigahan pa ng National Transportation Safety Board ang sanhi ng pagbulusok ng single-engine Cessna 182H.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina