Target ni Mexican two-time world minimumweight champion Raul “Rayito” Garcia na wakasan ang pagiging “Mexican Destroyer” ni kasalukuyang WBO light flyweight champion Donnie Nietes na makakasagupa niya sa Sabado sa University of St. La Salle sa Bacolod City, Negros Occidental.

Tatlong Pilipino pa lamang ang tinalo ni Garcia, kabilang ang kontrobersiyal na 12-round split decision kay dating IBF minimumweight champion Florante Condes noong 2008 sa La Paz, Baja California Sur, Mexico.

Pinatulog niya si Rommel Asenjo sa depensa ng WBO minimumweight title noong 2011 sa Mexico City at TKO win noong 2012 kay Michael Landero sa Baja California.

Taliwas kay Nietes na tatlong beses nang naidepensa ang kanyang titulo sa Mexico, ngayon lamang kakasa si Garcia sa Asya at sa 42 laban ay dalawang beses lamang siya lumabas ng Mexico nang matalo kay Nkosithaki Joyi sa South Africa sa 12-round unanimous decision para mabitiwan ang IBF minimumweight title at talunin sa puntos si Luis dela Rosa sa Colombia para matamo ang interim WBO minimumweight crown.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“’Raul ‘Rayito’ Garcia is looking to end the reign of terror by ‘Mexican Destroyer’ Donnie Nietes on May 28 in Bacolod City, Philippines,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “In his career, WBO light flyweight world champion Nietes is 14-0-1 against Mexican boxers (with the draw avenged by KO).”

May rekord si Garcia na 38-3-1, kabilang ang 20 knockouts, samantalang si Nietes na mahigit walong taon nang kampeon ng WBO ay may kartadang 37-1-4, tampok ang 21 knockouts. - Gilbert Espeña