Nilinaw kahapon ni Pastor Apollo Quiboloy, ang leader ng Davao-based Kingdom of Jesus Christ (KJC) religious group na tumatayong spiritual adviser kay incoming President Rodrigo Duterte, na wala siyang sama ng loob sa alkalde ng Davao City.

“Nauunawan ko, kasi si Mayor ay masyadong busy, at ‘yung mga pagkakataong ‘yun, ilang araw masyado nang busy at ilang araw ding busy ako rito,” paliwanag ng pastor.

Mariin naman nitong itinanggi na may mga “pabor” siyang hinihingi kay Duterte, ngunit inaming maraming tao ang lumalapit sa kanya upang maipaabot ang kanilang sentimyento sa bagong Pangulo.

“My friendship with the mayor might have been misunderstood. I’m not using it for my own interests,” paglilinaw pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sang-ayon din naman si Quiboloy na dapat unahin ni Duterte ang interes ng bansa bilang bagong pangulo nito.

Tiniyak din naman ni Quiboloy na suportado niya sa layuning ito ang bagong pangulo at ipinagdarasal din, aniya, niya na magampanan nito nang mahusay ang bagong tungkulin at magtagumpay ang administrasyon nito.

Umapela rin siya sa mamamayan na ipanalangin ang alkalde. - Mary Ann Santiago