Hindi sapat ang ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas para supilin ang banta ng ISIS (Islamic State of Iraq and the Levant) sa bansa, ayon sa isang Asian based consultancy and risk analysis company.
Sa ulat, sinabi ng Intelligent Security Solutions (ISS Risk) na malapit nang matagpuan ng Pilipinas ang bansa bilang umuusbong na epicenter ng Islamic extremism sa Southeast Asia kapag minaliit ng gobyerno ang impluwensiya ng ISIS.
Idinagdag nito na maaaring itayo sa bansa ang headquarters sa rehiyon ng jihadist militant group na ISIS.
“One of the major issues in the Philippines is the underestimation of the influence of ISIS, illustrated by the labelling of local extremist networks as ‘criminal gangs’ or bandits,’ rather than Islamic extremists,” sinabi ng independent political risk research group.
Binanggit din ng ulat na ang gobyerno ng Pilipinas ay “not doing nearly enough to curtail the radical threat of ISIS or, more generally, terrorism in the country.”
Kapag nagpatuloy ang kalagayang ito, hinulaan ng ISS Risk na ang “circumstances” sa Pilipinas ay aayon sa mga ambisyon ng ISIS, magpapahintulot sa teroristag grupo na magkaroon ng sentro para sa operasyon sa rehiyon.
Ang “underestimation,” na ito, ayon sa ulat, ay nagresulta sa pagtatag ng mga kampo sa Southern Philippines para sa mga teroristang grupo sa Southeast Asia. Ang bansa ay naging major transit hub din para sa mga bumibiyahe patungong Syria.
“Unfortunately, without proper recognition of the issue by the Filipino government, terrorist activities will only continue to escalate,” punto ng ISS Risk.
Sinabi nito na ang mga susunod na buwan ang tutukoy sa kinabukasan ng terorismo at kakayahan ng ISIS sa Pilipinas.
Ayon sa ISS Risk report, ang estado ng sitwasyon ay nakasalalay sa kalalabasan ang dalawang pangunahing kaganapan: ang resulta ng eleksiyon at ang status ng Bangsamoro Basic Law.
“The outcome of the election may usher in a new government with greater concern for and capacity to confront the growing terrorism problem across the country,” ayon dito. “Conversely, it could usher in a new leader that maintains the status quo of inactively addressing the situation for another 6 years.” - Roy Mabasa