LIMA, Peru (AP) – Nagdeklara ang gobyerno ng Peru ng emergency sa isang malawak na jungle region noong Lunes dahil sa kontaminasyon ng mercury dulot ng illegal na pagmimina ng ginto.

Apektado ng 60-araw na kautusan ang 11 distrito sa rehiyon ng Madre de Dios sa hangganan ng Brazil kung saan nagsasagawa ng mga pag-aaral ang Stanford University at natuklasan ang mataas na antas ng nakalalasong elemento sa mga tao, ilog at mga isda.

Sinabi ni Deputy Health Minister Percy Minaya na tinatayang 50,000 katao ang maaaring nahantad sa mataas na antas ng mercury, partikular na ang mga katutubong Harakmbut.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'