Steve Kerr, Draymond Green

OKLAHOMA CITY (AP) — Walang makapagpapatunay kung sinadya ni Draymond Green ang paninipa sa kaselanan ni Oklahoma City center Steven Adams sa Game Three ng Western Conference finals na pinagwagihan ng Thunder.

Iginiit ni Green na walang dahilan para saktan niya si Adams at ang pagtama ng kanyang paa sa kaselanan ni Adams ay dulot ng puwersa sa ginawang foul sa kanya.

Bunsod nito, hiniling niya na bawiin ang ipinataw na Flagrant 1 sa kanya.

Human-Interest

200 footprints ng dinosaur natagpuan sa England?

Ngunit, taliwas ang pananaw ng mga opisyal, maging ni Adams.

"It happened before, mate," sambit ng 7-foot center mula sa New Zealand.

"He is pretty accurate, that guy."

Isinailalim sa ‘review’ ang insidente at kung mapapatunayang sinadya ni Green ang paninipa, tiyak na mahaharap siya sa suspensiyon at posibleng hindi makalaro sa Game 4 na gaganapin uli sa Oklahoma.

Ayon kay Green, hindi niya ugali ang manakit ng kapwa player.

"I followed through on a shot," aniya.

"I'm not trying to kick somebody in the midsection. Somebody wants to have kids someday. I'm not trying to end that on the basketball court."

Sinabi naman ni Thunder guard Russell Westbrook na hindi aksidente ang kaganapan.

"Honestly, I think it's intentional," ayon kay Westbrook.

"That's two times in the last two games. I don't think you can keep (hitting) somebody in their private areas."

Taliwas naman ang pananaw ni Warriors coach Steve Kerr.

"Stuff like that happens all the time," aniya.

"There's contact, people's arms, legs flailing. If they think it's on purpose, play the game, you know. This stuff happens all the time. Westbrook kicks out his feet on every 3 and there is contact. I mean, that's just part of the game. So I don't understand how that can be deemed a Flagrant 1. I think it should be rescinded."