Target ng National University Bulldogs ang ikatlong sunod na panalo sa pagsagupa sa MC Dream Korea sa tampok na laro ngayon sa 2016 PSC Commissioner’s Cup sa makasaysayang Rizal Memorial Baseball Field.

Maunang magsasagupa ganap na 7:00 ng umaga ang Ateneo De Manila University kontra LS Antipolo sa Pool B na agad na susundan ng salpukan ng National University kontra sa expatriates na MC Dream Korea sa Pool A sa ganap na 9:00 ng umaga.

Ikatlong magsasagupa ang kapwa asam ang kanilang unang panalo na SCUAA champion Rizal Technological University at ang Bulacan State University sa Pool D.

Huling nabigo ang LS Antipolo sa Unicorns, 1-28, habang unang laro naman ito ng Ateneo na sariwa pa sa pag-uwi sa ikalawang puwesto sa UAAP.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Binigo naman ng NU Bulldogs ang Vitarich ILLAM, 15-5, at ang karibal na Adamson University, 6-5. Nagawa naman ng MC Dream Korea masungkit ang una nitong panalo sa dalawa nitong laro kontra sa Vitarich, 18-9.

Huling tinuruan ng Unicorns ng matinding leksiyon ang baguhang LS Antipolo matapos itala ang 28-1 run panalo sa ginaganap na sports development program ng PSC.

Ipinamalas ng Unicorns ang matinding husay sa paluan matapos agad umiskor ng tig-tatlo sa first at second inning, pito sa fourth, walo sa fifth at pito muli sa seventh inning para pigilan ang laban dahil sa kabuuang 20 runs para sa una nitong panalo sa Pool B.

Nagtulong ang magkakapatid na sina Daniel Laurel, na lead batter sa pagtala ang 5 runs, 3 hits at 2 RBI; Carlito Laurel na may 3 runs, 2 hits at 5 RBI, Jay Laurel na may 1 run at si Matt Laurel na may 5 runs 2 hits at 2 RBI; upang itala ang 14 na run sa kabuuang 28 ng Unicorns.

Nag-ambag din sina Felipe Remollo ng 3 runs, 4 hits at 3 RBI; Luigi Nolasco na may 2 runs, 2 hits at 2 RIB; at si EJ Gesmundo na may 2 runs, 2 hits at 1RBI para sa Unicorns sa torneo na pagbabasehan para sa pagpili ng mga manlalaro na magiging miyembro ng pambansang koponan sa baseball.

Sinandigan naman ang Unicorns ng mga pitcher nito na sina AJ Francisco na tatlong inning pumukol para sa 1 run 3 hits na paglalaro gayundin sina Sebastian Uchico at Miguel Olmos na may pinatuntong lamang na anim na batter sa kanilang dalawang inning na pag-pitch.

Hindi rin pinakawalan ng IPPC na binubuo ng mga dating miyembro ng PHILAB ang nakatapat nitong LS Antipolo Alumni matapos nitong bokyain sa loob lamang ng limang inning, 20-0, para sa ikatlong sunod na panalo sa kinabibilangang Group C. - Angie Oredo