PARIS (AP) — Patuloy ang malakas na buhos ng ulan, dahilan para maantala ang opening round match nina top seed Novak Djokovic at Serena Williams sa French Open.
Nakatakda ang laro ng dalawa nitong Lunes, sa ikalawang araw ng clay-court Grand Slam tournament, ngunit lumalambot ang lupa sa patuloy na pag-ulan kaya iniurong ang laban ng dalawa sa Miyerkules.
Sa kabuuang 32 match sa opening day, 10 laro lamang ang natapos dahil sa pag-ulan.
Targer ni Djokovic na maging kauna-unahang player na makagawa ng career Grand Slam mula nang maitala ni Rod Laver ang naturang tagumpay noong 1969, habang puntirya ni Williams na tapatan ang record 22 major title ni Steffi Graf.
Naantala rin ang laro ni defending champion Stan Wawrinka, gumapi kay Djokovic noong 2015.
"Novak is the favorite, for sure," sambit ni Wawrinka.
"But I think it's going to be interesting to see what's going to happen with the other players."