Hindi kaila kay Draymond Green na hindi siya kabilang sa pinakamahusay na rookie sa kanyang panahon.

Draymond Green, Steven AdamsNgunit, hindi ito dahilan para hindi siya makagawa ng ‘impact’ sa NBA.

Ang one-time All-Star at all-around forward ng Golden State Warriors ang buhay na patotoo bilang second round pick (ika-35) sa 2012 NBA draft.

Imbes na malugmok, ginamit niya ang karanasan para pag-ibayuhin ang talento.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Apat na taon na ang nakalilipas, isa na si Green sa pinakasikat na player sa NBA at isa nang ganap na kampeon. At para patunayan na ang naganap na draft pick ang kanyang ginamit na ‘motivation’, kilala niya ang mga player at ang koponang kumuha sa kanila sa first round.

Ayon sa panayam ni Jon Wilner sa Mercury News, hindi lang kabisado ni Green ang mga pangalan, bagkus ang pagkakasunod-sunod sa pagkuha ng mga koponan sa kanila.

"First was Anthony Davis to New Orleans," pahayag ni Green. "Then Charlotte took (Michael) Kidd-Gilchrist. Then Washington took Bradley Beal. Fourth was Cleveland: Dion Waiters.

"Eight was Toronto: Terrence Ross ...

"Sixteen was Houston: Royce White ...

"I will never forget that night," sambit ni Green.

"I had to wait all that time. I'm not saying I'm cocky or anything, but I felt like I had to wait behind guys I was better than. And I think I've proven it,” sambit ng produkto ng Michigan State U.

Bukod sa pagiging kampeon, naipamalas ni Green ang kahusayan at ikapito siya sa MVP voting ngayong season na pinagwagihan ng kanyang kasanggang si Stephen Curry at ikalawa sa Defensive Player of the Year na nakuha ni Kahwi Leonard ng San Antonio Spurs.