BEIJING (Reuters) – Nagbabalak ang isang Chinese government bureau ng base station para sa advanced rescue ship sa pinagtatalunang Spratly Islands, iniulat ng state media nitong Lunes, habang patuloy na isinusulong ng China ang pagdebelop ng civilian at military infrastructure sa pinagtatalunang rehiyon.
Ang barko, na magdadala ng mga drone at underwater robot, ay nakatakdang itatalaga sa ikalawang bahagi ng taon, sinabi ni Chen Xingguang, political commissar ng barko, na nasa ilalim ng South China Sea Rescue Bureau ng Ministry of Transport, ayon sa official China Daily.
Ang civilian bureau ay mayroong 31 barko at apat na helicopter na nagsasagawa ng mga rescue mission sa South China Sea, at sinabi ng mga mga opisyal mula sa departmento sa China Daily na nakakatrabaho nila ang militar sa mga pagsisikap na ito.
Sinabi ng mga opisyal na ang rescue ship base station ay magpapahintulot sa rescue forces na maayudahan ang mga nagkakaproblema na bangkang pangisda at mapaikli ang distansiya ng kailangang ibiyahe.
Hindi pa malinaw kung saang isla ihihimpil ang barko, ngunit nagsagawa ang China ng land reclamation at konstruksiyon sa ilang isla sa Spratly Archipelago, na ang iba’t ibang bahagi ay inaangkin din ng Pilipinas, Vietnam, Brunei, Malaysia at Taiwan.