Sa halip na ihalal, italaga na lamang ang mga opisyal ng barangay.

Ito ang ipinanunukala ni Pampanga Rep. Oscar Rodriguez sa kanyang House Bill 3349 kaugnay sa isyu ng pagdaraos ng barangay elections.

“The holding of barangay elections has become a highly political event, created alarming situations, marred by violence, massive vote-buying and divisiveness even among family members,” pahayag ni Rodriguez.

Ang panukala na may titulong “An Act abolishing the election of Barangay officials, declaring all elective Barangay positions as appointive positions, amending for the purpose Sections 39, 40, 41, 42, and 43 of R.A. 7160 otherwise known as the Local Government Code of 1991”, ay nakabitin ngayon sa House committee on local government.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ipinunto ni Rodriguez na itinatakda ng Omnibus Election Code na ang “barangay elections shall be non-partisan and shall be conducted in an expeditious and inexpensive manner.” - Bert de Guzman