LONDON (AFP) – Isa ang Hollywood star at UN refugee agency envoy na si Angelina Jolie sa mga bagong visiting professor sa London School of Economics (LSE) sa Britain, pahayag ng unibersidad nitong Lunes.
“I am very encouraged by the creation of this master’s programme,” sambit ni Jolie sa isang statement.
“I hope other academic institutions will follow this example, as it is vital that we broaden the discussion on how to advance women’s rights and end impunity for crimes that disproportionately affect women, such as sexual violence in conflict.”
Kabilang din sa hinirang ang dating British foreign minister na si William Hague, na katuwang ni Angelina sa pagbuo ng Preventing Sexual Violence in Conflict Initiative noong 2010.
Binigyan ng lecture ng mga bumisitang propesor ang guests, at nakiisa sa mga gawain at aktibidad, ayon sa LSE.
Sinabi ni Jolie na hindi na siya makapaghintay para makapagturo at, “to learning from the students as well as to sharing my own experiences of working alongside governments and the United Nations.”
Ang Oscar-winning actress, na nagpakasal sa aktor na si Brad Pitt at may anim na anak, ay naging bida sa pelikula tulad ng Maleficent, Salt at Wanted at nagdidirehe ng kanyang sariling pelikula, kabilang na ang By the Sea at Unbroken.
Pinagsasabay niya ang kanyang trabaho sa pelikula at kanyang advocacy, siya ang goodwill ambassador para sa UN refugee agency na UNHCR simula 2001 bago naging isang special envoy, naglalakbay upang makilala ang mahihirap na tao sa Greece at Lebanon.
Nitong unang bahagi ng taon, sinabi ni Jolie na ang pagtulong sa refugee ay isang pangkaraniwang responsibilidad at panawagan sa international community na mas paigtingin ang pagresolba sa problema ng mga refugee simula pa noong World War II.
“This is a duty that falls on all of us, to the next UN secretary-general, to all governments, to civil society, to everyone of us,” ani Jolie sa kanyang talumpati sa London.