BALTIMORE (AP) — Ibinasura ng Exaggerator ang posibilidad para sa Triple Crown ng Nyquist matapos pagwagihan ang Preakness Stake – ikalawang major horse racing event – nitong Sabado (Linggo sa Manila), sa Pimlico Race Course.
Kaagad na umarangkada ang Exaggerator sa putikang race course para gapiin ang Kentucky Derby winner sa impresibong 3 1/2-length victory kontra kay Cherry Wine.
Ito ang kauna-unahang panalo ng Exaggerator sa Nyquist sa nakalipas na apat na pagtatagpo, kabilang ang Kentucky kung saan sumegunda lamang ito kay Nyquist.
“I had a dream trip today,” pahayag ni jockey Kent Desormeaux.
“It was an amazing race and Exaggerator is an amazing horse.”
Nagsimula ang karera sa malungkot na pagkakataon nang mamamatay ang dalawang kabayo at nasugatan ang isang jockey sa una sa apat na karera na nakalinya. Isa sa kabayong namatay ay galing sa lahi ni Barbaro.
Tangan ang 3-5 favorite sa betting para sa 11-horse field, nakihamok ang Nyquist kay Uncle Lino sa unang ratsadahan para sa second leg ng Triple Crown.
Ngunit, kumawala ang Exaggerator. Ang 3-year-old na anak ni two-time Horse of the Year Curlin ay naghabol sa layong 13 lengths para manalo.
“To me it looked like Nyquist was trying to establish an outward position, maybe in the four path,” pahayag ni Desormeaux.
“He was jockeying for position all the way down the back side. And Exaggerator just kind of slid up the fence to the far turn where I actually got to slow him down and say ‘whenever I’m ready.’ “
Naitala ni Exaggerator ang winning time na 1:58.31.
“Hats off to Exaggerator and Team Desormeaux. What a great run,” pahayag ni Nyquist’s trainer Doug O’Neill.
“I didn’t think we could get beat, to be honest with you.”
Marami ang nag-aakala na makukuha ni Nyquist ang Preakness para sa hinahangad na Triple Crown na huling napagwagihan ng American Pharoah sa nakalipas na taon.