Haharap sa sports media si reigning World Slasher Cup-2 champion Joey Sy at iba pang mga kalahok sa ikalawang edisyon ng kopa, sa isang press conference bukas sa Novotel, Araneta Center.

Dadalo sa pagtitipong ito ng mga patnugot na nagsasara sports pages sa mga pangunahing pahayagan sa bansa na araw-araw na naglalathala.

Saksi rin sa pag-aanunsyo sa mga kalahok ang mga representante ng media na may espesyalisasyon sa sabong, gaya ng Supersabong, SabongTV, Sabongnation, Chicken Talk, Bakbakan Na, Gamefowl Magazine, Bagong Sabungero, Cockfights Magazine, Sabong Star, Fightingcock, at Cockpihan, at Usapang Sabong sa Radyo.

Panauhing pandangal naman ang mga naggagandahang dilag ng Bb. Pilipinas na hatid ay galak sa naturang pagtitipon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magaganap ang world-class na mga labanan sa 2016 World Slasher Cup-2 sa dalawang magkahiwalay na 2-cock eliminations na nakatakda sa Mayo 26 at 27, at semi-finals sa Mayo 28 at 29.

Pansamantalang titigil ang labanan sa Mayo 30 upang ilaan ang araw na ito para sa paghahanda ng mga kalahok na aabante sa pre-finals at grand finals.

Magpapatuloy ang matitinding aksyon sa 4-cock pre-finals sa pagitan ng mga kalahok na may iskor na 2, 2.5 at 3 na magaganap sa Mayo 31.

Ang pinakaaabangang 4-cock grand finals ay nakatakda sa Hunyo 1 kung kailan ang mga kalahok na may iskor na 3.5 at 4 ay mahigpit na paglalabanan ang titulo sa nakakayanig na mga salpukan.

Sa paanyaya ng Pintakasi of Champions, ang 2016 World Slasher Cup-2 ay inihahandog ng Thunderbird Platinum at Thunderbird Bexan XP.