ISTANBUL, Turkey (AP) – Hinimok ng isang mataas na opisyal ng United Nations nitong Linggo ang mga lider ng mundo na ireporma ang humanitarian aid system at itaguyod ang international humanitarian law bago ang isang malaking summit.

Nagsalita sa bisperas ng unang World Humanitarian Summit sa Istanbul, sinabi ni Deputy Secretary-General Jan Eliasson na ang pagtitipon ay “wake-up call for action.”

“There is a huge need for us to show solidarity with those who are affected by natural disasters and man-made disasters,” sabi ni Eliasson.

Nagbabala siya na dumarami ang mga kalamidad dahil sa climate change at mahigit 22 bansa ang apektado ng El Nino weather phenomenon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Hinimok din ni Eliasson ang mga lider na manindigan para sa international humanitarian law na binabalewala sa Afghanistan, Syria at Yemen. Inilarawan niya ang mga pag-atake sa mga sibilyan na “an absolute violation of international law” at “practically a medieval practice.”