Hindi rason ang pagsabak sa tatlong sunod na laro sa natamong kabiguan sa dating co-leader  De La Salle.

Ito ang binigyan-diin ni team skipper Dan Sara matapos mabigo ang NCAA 5-time champion San Beda College sa La Salle, 94-85, nitong Sabado, sa Fil-Oil Flying V Preseason Premier Cup sa San Juan Arena .

Ayon sa dating Junior Archer bago naging bahagi ng koponan ng Red Lions, hindi “excuse” ang tatlong sunod nilang laro.

“Araw araw naman kaming nag-iensayo at kung tutuusin mas intense pa yung ensayo, pero iba pa rin naman yung actual game, but it doesn’t make it a valid excuse for our lose to La Salle,” ayon kay Sara.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Kinulang kami, siguro yun na nga dahil pagod na rin at nagkaroon ng lapses dun sa final stretch.But a single loss is not the end of our campaign and we still have the chance para makabawi,” aniya.

Aminado si Sara na kailangan pa rin nila ng patuloy na adjustment dahil marami ang mga bago sa kanilang team, ngunit nilinaw niyang mga maliliit na adjustments na lamang ito dahil halos kabisado naman aniya maging ng mga bagong salta sa team ang kanilang role na dapat gampanan.

“After that loss to Letran, start na rin n gaming rebuilding for the next NCAA Season and everybody knows their role in the team,” ayon pa kay Sara. - Marivic Awitan