Hindi sang-ayon ang Malacañang sa plano ni incoming Cebu City Mayor Tomas Osmeña na magbigay ng pabuya sa mga pulis na makapapatay ng kriminal.

Iginiit ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na sino mang opisyal ng pamahalaan, hinalal man o itinalaga, ay dapat na sumunod sa batas.

“Hindi ko ganap na nauunawaan ang panukalang ‘yan ni incoming mayor Tommy Osmeña,” ayon kay Coloma.

“Lahat naman ng kilos ng isang mayor o local government executive, gaya ng pagkilos ng lahat ng mga halal na opisyal at lahat ng appointed official ng ating bansa, tayo ay sumusunod sa batas ,” giit niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon pa sa opisyal, nakasaad sa Salingang Batas na dapat umiral ang demokrasya sa bansa.

“Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them,” sabi ni Coloma.

Ito ang naging reaksiyon ni Coloma sa pahayag ni Osmeña na handa itong magbigay ng P50,000 pabuya sa pulis sa kada kriminal na mapapatay ng mga ito at P5,000 para sa bawat masusugatan sa pagpapatupad ng batas. - Madel Sabater-Namit