Rafael Nadal

PARIS (AP) — Sa nakalipas na mga taon, nakasanayan ni Rafael Nadal ang sitwasyon na siya ang defending champion at ang makakaharap sa finals si Roger Federer.

Sa pagkakataong ito, ibang senaryo ang haharapin ng Spaniard superstar.

Hindi makalalaro si Federer sa clay-court Grand Slam tournament simula sa Linggo (Lunes sa Manila) bunsod ng injury. Ito ang kauna-unahang pagkakataon matapos ang 65 sunod na major na hindi mapapanood ang Swiss star.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

At hindi rin kampeon si Nadal sa kanyang pagsabak.

“For the fans, for the tournament, for the world (of) tennis, in general, is ... very negative news, no?” pahayag ni Nadal.

Napagwagian ni Nadal ang titulo sa Roland Garros noong 2005 hanggang 2008, gayundin noong 2010 hanggang 2014. Sa naturang kampeonato, pawang si Federer ang nakaharap ni Nadal.

Sa nakalipas na taon, naagaw ni Stan Wowrinka ang titulo. At sasabak si Nadal ngayong season bilang No.4 seed.

“It’s a tournament that I know I can play well,” pahayag ni Nadal, natalo sa quarterfinals kay Novak Djokovic sa nakalipas na taon.

“If I am playing well, I know I can do good things.”

Posibleng makaharap ni Nadal, tangan ang 14 major championships, ang No. 1 seed na si Djokovic sa semi-finals.

“You know, time never stops. Nobody stops the time. That’s not a good thing, but at the same time, I am happy with my life. I enjoyed all these years on the tour, and I hope to keep enjoying the next couple of years,” aniya.