Ni NITZ MIRALLES

Kris AquinoUMAKSIYON na si Kris Aquino sa panggagamit sa kanya ng isang brand ng beauty product na ang sabi, ang produkto nila ang ginagamit ng Queen of All Media at hindi na ang pino-promote niyang Olay. Nabasa namin sa Facebook ang post ng beauty product at nagulat kami sa matapang nilang promotion.

Ang nakalagay sa promotion ng beauty product ay, “Kris Aquino shares her skincare secret... And Olay Isn’t Going To Like It.”

Heto ang reaction ni Kris na ipinost niya sa Instagram: “@showbizmanila sent me this link to warn me about LIES being peddled by this company using my name. I have already forwarded to my lawyer & Boy Abunda’s office this article using me to promote products I’ve never tried, and never even heard of AND disparaging what was a very good relationship with OLAY & its parent company P&G (I have endorsed Pantene, Pampers, Safeguard, Downy, OLAY, Oral B, and currently I still endorse Ariel with 2 more TVCs shot & waiting for airing)-it has been more than 11 fruitful years w/ them, and SANA naman itong cream & ingestible medicine na ‘to gumawa ng pangalan dahil magaling at maganda ang produkto nila at hindi galing sa pag-imbento ng kuwento. #Kalurx.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ganito rin ang kaso ni Ruffa Gutierrez, ang produkto na raw nila ang ginagamit nito at hindi na ang ini-endorse na Cosmo Skin. Hayun, nagbabalak ding magdemanda ang Cosmo Skin sa beauty product na ayaw naming pangalanan at baka kami naman ang mademanda.