Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang lalaking Egyptian makaraang masugatan ang sarili niyang asawa at sanggol na anak sa kanyang pamamaril habang nagwawala sa Barangay Tagaran, Cauayan City, Isabela, iniulat ng pulisya kahapon.

Nagtamo ng tama sa kamay ang ginang makaraang awatin sa pagwawala si Mahmoud Elsharkawy, na natamaan din ng bala sa hitang habang walang humpay sa pagpapaputok ng baril sa Bgy. Tagaran sa Cauayan City nitong Sabado ng gabi.

Sa balikat naman tinamaan ng bala ang pitong buwang anak nila.

Sinunog din ang bahay ng kanyang kapitbahay, napilitang sumuko sa pulisya ang dayuhan matapos na maubusan ng bala ang kanyang baril.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa imbestigasyon, nagsimulang magwala ang suspek makaraang tumangging makipagbalikan sa kanya ang asawang Pinay at ilayo nito sa kanya ang dalawa nilang anak.

Nabatid na matagal nang hiwalay ang mag-asawa dahil sa ginagawang pananakit ng dayuhan sa ginang. - Fer Taboy