Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na isasailalim na sa income tax ang mga campaign contribution ng mga kumandidato sa katatapos na eleksiyon kung hindi maghahain ng statement of expenditure ang mga ito sa Commission on Elections (Comelec).

Ito ang babala ng mga Revenue Regional Director matapos makatanggap ng ulat na maraming kandidato, lalo na ang mga natalo, ang hindi pa o walang balak na maghain ng expenditure statement sa poll body.

Anila, nakasaad sa Revenue Regulations No. 7-2011 na nilagdaan ni BIR Commissioner Kim S. Jacinto-Henares: “Any candidate , winning or losing, who fails to file with the Comelec the appropriate statement of expenditures under the Omnibus Election Code shall be automatically precluded from claiming such expenditures as deductions from his campaign contributions.

“As such the entire amount of such campaign contributions shall be considered as directly subject to income tax,” nakasaad pa sa regulasyon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa pangkalahatang regulasyon, ang mga campaign contribution ay hindi maaaring isama sa taxable income ng isang kandidato na nabiyayaan nito dahil ang pondo ay hindi para sa kanyang personal na gamit o pagpapayaman, kundi para gamitin sa kanyang pangangampanya.

Binigyang diin ng mga revenue official na ang sobrang campaign fund ay isasama sa income tax, lalo na kapag hindi ito ibinalik sa donor.

Inihayag ni incoming President Rodrigo Duterte nitong nakaraang linggo na handa siyang isauli sa mga donor ang sumobra sa kanyang campaign fund. - Jun Ramirez