Ni LEONEL ABASOLA

Magsasanib-puwersa na ang Senado at Kamara bukas, Mayo 24, upang umaktong National Board of Canvassers (NBOC) na magbibilang ng boto ng mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente.

“On May 23, the Senate will first finish its work and pass on third reading a number of bills which are on the last stages of enactment. The next day we will proceed to join the House in convening the NBOC,” ayon kay Senate Secretary Oscar Yabes.

Sinabi ni Yabes na sina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang magpapatupad ng resolusyon na nananawagan sa isang public session sa Batasan Pambansa sa Quezon City.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“During the joint session, the two chambers will adopt the rules for canvassing and create the Senate and House panels that will form the Joint Canvassing Committee, which will conduct the actual canvassing of votes,” dagdag ni Yabes.

Sa Mayo 25 naman itinakda ang pormal na pagbilang sa mga boto.

Sa ngayon, natanggap na ng consolidated canvassing system (CCS) ang mga electronically-transmitted certificate of canvass (COC) mula sa mga provincial at city board of canvasser at overseas absentee voting.

Base sa unofficial count, nangunguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa hanay ng mga kumandidato sa pagkapangulo, kasunod si dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Mahigpit naman ang tunggalian sa posisyon ng bise presidente sa pagitan nina Camarines Sur Rep. Leni Robredo at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.