Ipinahayag ng recruitment industry ang suporta nito sa muling pagbuhay sa panukalang magtatag ng espesyal na kagawaran para sa mga overseas Filipino worker (OFW), sa ilalim ng bagong administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte.

“I believe it should be first subjected to a stakeholder consultation to see how it could be more effective than the present setup... It should include OFWs, who are already retired and this who are still actively working abroad,” pahayag ng recruitment leader na si Lito Soriano.

Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, sinabi ni Soriano na pinamamahalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga kaso ng OFWs, habang ang Department of Labor and Employment (DoLE) ang namamahala sa labor-related cases ng mga ito. - Samuel Medenilla

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'