DAGUPAN CITY, Pangasinan - Dahil sa nakababahalang epekto ng El Niño sa grassfire at forest fire, iminungkahi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mas malawakang pagtatanim ng mga puno sa Pangasinan.
Nananawagan ang DENR sa publiko na makilahok sa gagawing malawakang tree planting, na magsisimula sa Hunyo at tatagal hanggang Agosto ng taong ito.
Target na itanim ang nasa isang milyong seedlings na sasaklawin ang 1,184 na ektarya ng kagubatan sa mga bayan ng Labrador, Aguilar, Mangatarem, at Bugallon.
Kabibilangan ito ng fruit-bearing at forest trees na mango, narra, mahogany, acacia, molave, at bakawan. - Liezle Basa Iñigo