Sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na maoobliga ang United States na magsagawa ng aksiyong militar sa South China Sea kapag kumilos ang China para i-reclaim ang Scarborough Shoal, isang mainit na pinagtatalunang reef sa dulo ng probinsiya ng Zambales.

Sinabi ni Aquino na walang indikasyon na may balak ang China na idebelop ang reef, kilala rin bilang Panatag Shoal at Bajo de Masinloc, na nasa loob ng 185 nautical miles ng Pilipinas.

Ngunit iminungkahi niya na magkakaroon ng mabagsik na tugon kapag nagpasya ang China na gawin ito, sinabi na sa kanyang palagay ay mapupuwersa ang United States na depensahan ang Philippines o manganganib na mawalan ng kredibilidad sa rehiyon.

“It has to maintain its ascendancy, moral ascendancy, and also the confidence of one of its allies,” sabi ni Aquino sa isang panamayam sa Malacañang noong Mayo 19.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nitong mga nakalipas na taon ay mabilis na kumilos ang China para palakasin ang presensiya nito sa South China Sea, isa sa world’s major shipping route, sa pagtatayo ng mga artipisyal na isla na mayroong mga paliparan at radar sa tuktok ng mga bato at bahura. Ang aksyong nito ay ikinagalit ng mga katabing bansa, kabilang na ang Pilipinas na inaangkin ang maramingteritoryo dito.

Kapag nagtagumpay ang China na gawing strategic outpost ang Scarborough Shoal, ito ay magiging isang malaking kudeta, dahil napakalapit nito sa mga puwersang militar ng US at Pilipinas. Kamakailan ay nakakuha ng pahintulot ang United States mula sa Pilipinas na simulan ang pagtatalaga ng mga tropa sa limang base, sa pag-asang mahadlangan ang China.

“Scarborough is a red line,” sabi ni Gregory B. Poling, director ng Asia Maritime Transparency Initiative sa Center for Strategic and International Studies sa Washington. “It would clearly change the balance of power.”

Sinabi ni Aquino na wala siyang natanggap na intelligence kamakailan na nagpapahiwatig ng Chinese buildup sa shoal, na inagaw ng China ang kontrol noong 2012, matapos ang mahabang standoff. Ngunit sinabi niya na handa ang Pilipinas sa anumang magiging aksiyon ng China. “We don’t subscribe to the notion that it’s theirs,” aniya.

Sa ulat kamakailan ng Xinhua, ang official news agency ng China, tinawag nito ang Scarborough Shoal na “inalienable part of the Chinese territory” simula noong unang panahon.

Nilabanan ng Pilipinas ang mga pag-aangkin ng China sa South China Sea sa isang international court sa The Hague, Netherlands. Inaasahan ang desisyon sa mga susunod na linggo, kahit na sumumpa ang China na babalewalain ito.

Ipinagkibit-balikat ni Aquino ang mga pangamba na magiging mas malambot ang kanyang kapalit na si Davao City Mayor Rodrigo sa China, sinabing makikita ng president-elect ang kanyang pananaw sa sandaling magkaroon na ito ng full briefing. (The New York Times)