Libu-libong kaso na nakabimbin ngayon sa Department of Justice (DoJ) ang naghihintay sa bagong kalihim na si Atty. Vitaliano Aguirre.

“Wala akong hawak na eksaktong bilang. Pero libu-libo,” inihayag ni DoJ Secretary Emmanuel Caparas tungkol sa matinding backlog ng mga kaso sa kagawaran.

Isang dating kaklase ni Pangulong Aquino sa Ateneo de Manila, itinalaga ng Punong Ehekutibo si Caparas bilang DoJ secretary nitong Enero matapos magbitiw si dating Secretary Leila de Lima upang kumandidato sa pagkasenador.

“Nang ako ay nagsimula nitong Enero, ginawa namin ang lahat upang mabawasan ang backlog subalit meron pa rin,” paliwanag ni Caparas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Talagang malaking trabaho ang dapat gawin upang mabawasan ang backlog,” ayon sa kalihim.

Kahit sa kanyang maikling panunungkulan sa DoJ, tiniyak ni Caparas na naipatupad ang mga reporma upang maisaayos at maging sistematiko ang kalakaran sa kagawaran.

“Of course, there are many tasks to be performed, challenges to be faced, not just within the DOJ itself but its attached agencies but I’d like to think that the incoming Secretary will be inheriting agencies as well that are ready to perform and ready to do the tasks ahead,” aniya. (JEFFREY G. DAMICOG)