Isang kakaibang seremonya ang inihanda ng organizers sa pagbubukas ngayon ng Shakey’s V-League at Spikers’ Turf sa The Arena sa San Juan City.

Inimbita para makiisa sa fun game ang star player na sina Alyssa Valdez at Denden Lazaro ng Bali Pure, Michelle Gumabao at Melissa Gohing ng Pocari Sweat at Jaja Santiago ng National U .

Si Valdez, two-time league MVP at three-time UAAP MVP, ang siyang magbibigay ng oath of sportsmanship bago gawin ang tampok na fun games. Ang aktuwal na mga laban ay gaganapin sa Mayo 28.

“We’re excited to open our 13th Shakey’s V-League season and we thank everyone for the continuous support,” sabi ni league official Ricky Palou.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang koponan nina Valdez at Lazaro na Bali Pure squad ang agad umani ng interes matapos makuha ang serbisyo nina reigning NCAA MVP Gretchel Soltones, Janine Marciano, Alyssa Eroa, at Ateneo alumni Amy Ahomiro, Dzi Gervacio, Bea Tan at Mary Mae Tajima. Ang dating Ateneo star na si Charo Soriano ang playing coach.

Sina Gumabao at Gohing ay mamumuno sa Pocari na makakasama sina Myla Pablo, Elaine Kasilag, Gyselle Sy, Siemens Dadang, at Rossan Fajardo na gigiyahan ni Thai Tai Bundit, na coach nina Valdez at Lazaro sa Ateneo.

Si Santiago naman ang mamumuno sa Lady Bulldogs na binubuo nina Jorelle Singh at Aiko Urdas at rookie Raissa Sato, na lumipat mula sa Ateneo upang maglaro sa koponan ni Roger Gorayeb.

Ang University of the Philippines, na gumawa ng kasaysayan sa pagtuntong sa UAAP Final Four nakaraang taon, ay bibitbitin nina Isa Molde at Katherine Bersola sa ilalim ni coach Jerry Yee.

Bubuuin ang walong koponan sa torneo ng KIA, Air Force, Baguio at Iriga City.

Samantala, anim na koponan sa pangunguna ng Reinforced Conference champion Cignal TV, Inc. ang sasabak sa ikalawang Spikers’ Turf season na para sa kalalakihan na sisimulan din sa Mayo 28. (Angie Oredo)