Nakapag-uwi lamang ng tatlong silver at dalawang bronze medal ang 10-man Philippine track and field team sa katatapos na Taiwan Athletics Open sa Taoyuan City, Taiwan.

Ayon kay Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa) national coach Jojo Posadas, kinapos ang mga atletang Pinoy, binansagang ‘Popoy’s Army’ bilang parangal kay Patafa chief Popoy Juico, sa kampanyang makasikwat ng karagdagang slots para sa Rio Olympics.

Nagwagi lamang ng silver medal sina Immuel Camino sa 3,000m Steeplechase (9:16.84), Harry Diones sa triple jump (15.75 meter), at EJ Obiena sa pole vault (5.25 metro).

Nabigo ang tatlo laban kina Ting Yin Zhou ng host Taipei (9:04.99), Ting Bin (15.76m), at Minsub Jin ng Korea (5.35m), ayon sa pagkakasunod.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pangatlo naman si Evalyn Palabrica sa women’s javelin throw sa naihagis na 45.92 metro sa likod nina Chu Chang ng Taipei (52.98m), at Hui Jun Li ng Taipei (48.34m).

Nakamit naman ni Camino ang tanso sa men’s 5,000m run (15:26.88) sa likod nina Van Lai Nguyen ng Vietnam (15:00.91), at Ting Yin Zhou ng Taipei (15:09.87).

Umabot naman sa finals ng 100m run sina Anfernee Lopena (10.81), at Jomar Udtohan (10.75).

Sumabak naman sa women’s pole vault si Riezel Buenaventura at tumapos sa ika-apat na puwesto sa 3.55m sa likuran ng nagwagi na si Allisson Koressel ng USA (4.20m), Yeeun Choi ng Korea sa silver (3.85m), at ikatlo ang Taipei (3.55m).

Tumapos naman sa 800m si Elbrin Neri sa 5th place (1:55.09 sec) at 1,500m run (5th place) sa 4:01.58, habang ikaanim na puwesto ang 4x100 relay men sa tiyempong 41.24 segundo. (Angie Oredo)