BALTIMORE (AP) — Bumuhos man ang ulan sa araw ng Preakness, walang alalahanin ang Team Nyquist.

Tulad ng American Pharoah na walang takot na humarurot sa gitna ng malakas na buhos ng ulan para pagwagihan ang ikalawang karera ng Triple Crown sa nakalipas na taon, kumpiyansa ang mga nangangasiwa kay Nyquist na maduduplika niya ito sa kanyang pagtatangka na makumpleto ang Triple Crown.

Batay sa inilabas na forecast ng National Weather Service, may 100 porsiyento na uulan sa buong araw ng Sabado (Linggo sa Manila), habang ang temperature ay bababa sa mid-50s at may gust wind na 20 mph.

“With a horse like Nyquist, I’m not overly concerned about the weather,” pahayag ng trainer na si Doug O’Neill.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“As far as rain or shine, we’re not going to change anything shoeing-wise He’s going to wear the same shoes he’s got on. We’d just love to have a beautiful day.”

Ngunit, ang pag-ulan ay magbibigay din ng bentahe sa mga kalaban na sanay tumakbo sa putikan tulad ng Exaggerator, at long shot Cherry Wine. “I’ll be one of the few people doing a rain dance,” sambit ni Cherry Wine’s trainer Dale Romans.

Tangan ang 8-0 marka, napagwagian ng Nyquist ang Florida Derby sa kabila ng paglambot ng lupa bunsod ng pag-ulan ilang araw bago ang karera.

Target ng Nyquist, lahi mula kay Uncle Mo, na magwagi ng back-to-back major crown para patatagin ang kampanya na masungkit ang Triple Crown ngayong taon.

Naitala ng American Pharoah ang kauna-unahang Triple Crown nang pagwagian ang Derby, Preakness at Belmont mula nang makopo ito ng Affirmed noong 1978, isang taon matapos magwawagi ang Seattle Slew.

Ngunit, kailangan munang magwagi ng Nyquist laban sa 10 matitikas na karibal sa Pimlico Race Course.