Libre ang pneumococcal vaccination sa nasa edad 60 hanggang 65 sa mga health center ngayong taon, ayon sa Department of Health (DoH).

Ang pneumococcal disease ay ang nangungunang sanhi ng seryosong sakit sa buong mundo. Ito ay dulot ng karaniwang uri ng bacteria, ang pneumococcus, na maaaring atakehin ang iba’t ibang bahagi ng katawan. Kabilang sa mga sakit na maidudulot ng pneumococcus ay ang pneumonia, meningitis, middle ear at sinus infections, at sepsis, isang infection sa daluyan ng dugo.

“Pneumococcal vaccines has been long available in the Philippines, specifically in the private sector. DoH wants to ensure that these are distributed not only to the people who have enough resources to access life saving-medicines and services, but also to our indigent citizens nationwide,” paliwanag ni Health Secretary Janette P. Loreto-Garin.

Ang pagpapabakuna ng pneumococcal polysaccharide vaccine ay nagpoprotekta sa mga tao sa invasive pneumococcal infections. Inirerekomenda ang World Health Organization (WHO) ang paggamit ng pneumococcal polysaccharide vaccine para sa matatanda at iba pang risk groups.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa ilalim ng Expanded Pneumococcal Immunization Program for Senior Citizens, ang matatanda ay maaaring tumanggap ng dalawang dose ng bakuna. Makalipas ang limang taon simula nang unang dose, tatanggapin ng matatanda ang ikalawang dose. Samantala, ang mga nasa 65-anyos ay tatanggap ng isang dose ng pneumococcal vaccine.

“We are encouraging our senior citizen to visit our nearest health facility and avail the free pneumococcal vaccine,” ani Garin. (Charina Clarisse L. Echaluce)