Nasungkit ng Emilio Aguinaldo College ang 68-59 panalo kontra University of the Philippines para putulin ang four-game losing skid sa Fil Oil Flying V Preseason Premier Cup kahapon, sa San Juan Arena.

Mula sa malamyang 1-11 simula, humataw ang Generals para agawin ang bentahe at momentum sa Maroons tungo sa unang panalo ng taft-based cager.

Dahil sa kabiguan, bumaba ang Maroons sa patas na barahang 2-2, panalo- talo.

"Ginawa namin lahat ng aming makakaya para makuha ang panalo," pahayag ni assistant coach Bong Melocoton ."Malaking morale booster ito para sa team."

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Nanguna sa nasabing tagumpay si Cameroonian Hamadou Laminou na may double double 23 puntos at 15 rebound bukod pa sa 4 blocks at 1 steal.

Tumapos namang topscorer para sa Maroons si Diego Dario na may 12 puntos. (Marivic Awitan)