Laro ngayon
(Rizal Coliseum)
5 n.h. -- Macway vs EAC
6:30 n.g. -- PCU vs.SJB
Pinabagsak ng Emilio Aguinaldo College ang Jamfy-Secret Spices, 99-79, habang pinaluhod ng New San Jose Builders ang Our Lady of Lourdes Technological College-Takeshi Motors, 99-71, upang masungkit ang huling dalawang semis berths sa 2016 MBL Open basketball championship sa Rizal Coliseum.
Bahagya lamang pinagpawisan ang Generals at Builders bago tuluyang winalis ang kanilang mga karibal sa eight-team tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear, PRC at Gerry's Grill.
Makakaharap ng EAC ang top seed Macway Travel Club, habang mapapalaban ang San Jose sa Philippine Christian University sa hiwalay na semi-final duel.
Nanguna si Igee King, anak ni PBA legend Abe King, sa Generals sa 18 puntos, habang nag-ambag ang 6-10 African recruit na si Hamadou Laminou na may 11 puntos.
Nakatulong din ng husto sina Sidney Omwubre at Francis Munsayac, na kapwa may 10 puntos para sa Generals, na naghahanda para sa nalalapit na NCAA season.
Ang dating Lyceum standout na si Laurence Garcia at PBL veteran Edwin Asoro ang nanguna sa Jamfy.
Nabigong makalaro sina ace gunner Mel Mabigat at Fil-Am Anthony Cuevas.
Samantala, sumandal ang NSJBI sa magilas na laro nina Mark Maloles, John Ambuludto, Nikko Lao at Mark Anthony Puspos.
Si Maloles ay humugot ng 22 puntos para sa NSJBI nina manager Jomar Acuzar, consultant Jinino Manansala at coach Rainier Carpio.
Iskor:
(Unang laro)
EAC (99) - King 18, Laminou 11, Munsayac 10, Onwumbre 10, Aguas 9, Morada 8, Guzman 8, Neri 7, Umali 5, Paredes 4, Gonzales 4, Corilla 3, General 2, Diego 0, Pascua 0.
Jamfy-Secret Spices (79) -- Garcia 21, Asoro 19, Banzali 10, Murillo 7, Racelis 6, Villarta 5, Octavio 5, Baul 4, Patrocinio 2, Gamboa 0.
Quarterscores
20-11, 51-36, 72-61, 99-79.
(Ikalawang laro)
New San Jose Builders (99) -- Maloles 22, Ambulodto 16, Puspus 15, Lao 15, Aurelio 13, Sumay 10, Palogan 4, Grimaldo 2, Telles 2.
Lourdes-Takeshi (71) -- Marilao 19, Balucanag 17, Garcia 12, Brutas 8, Villanueva 6, Sequilasao 5, Gawingan 2, Villar 2.
Quarterscores
24-18, 52-32, 74-55, 99-71.