Bamboo copy copy

AMINADO si Bamboo Mañalac, na tuluy-tuloy sa pagiging isa sa coaches ng The Voice Kids (Season 3), na naninibago siya sa ilang changes na nagaganap sa said reality search for kids.

Isa sa mga pagbabagong ito ang pagpasok ni Sharon Cuneta as coach, kapalit ni Sarah Geronimo.

Subalit ayon pa rin kay Bamboo, nakapag-taping na sila ng kanilang first episode at okay namang katrabaho ang megastar.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Sharon has been great. We’ve done one audition episode so far and her day one has been good so far as our new coach. It looks promising naman. Kasama sa show ‘yun, kasama sa laro, ‘yun ang fun part ng The Voice, ‘yung mga hirit at barahan kaya nagi-enjoy ang mga tao.”

Sa mga kabataang sasali sa season three ng The Voice Kids, may paalala si Bamboo.

“Mas mataas ang expectations ko. Ilang seasons na rin, sana ang mga pointers na ‘binigay namin the past seasons, ang mga bata nakikinig, pati ang parents para pagdating nila ng auditions alam na nila kung ano ang hinahanap namin,” payo ng singer-coach. (Ador Saluta)