BEIJING (AFP) – Nagbabala ang Beijing sa bagong upong pangulo ng Taiwan laban sa pagsusulong ng kasarinlan, sinabi na magiging “impossible” ang kapayapaan kapag tinangka ng bagong gobyerno na humiwalay sa mainland.
“If ‘independence’ is pursued, it will be impossible to have peace and stability in the Taiwan Straits,” saad sa pahayag ng Taiwan Affairs Office (TAO) ilang oras matapos manumpa si Tsai Ing-wen nitong Biyernes.