Isa pang Pinoy boxer ang dadayo sa Mexico sa katauhan ni dating WBC Youth super flyweight champion Jovylito Aligarbes na kakasa kay WBC No. 5 bantamweight Edgar Jimenez sa Hunyo 4, sa Oasis Hotel Complex, Cancun, Quintana Roo.

Minsan nang lumaban si Aligarbes para sa OPBF super bantamweight title noong 2014 sa pamosong Korakuen Hall sa Tokyo, Japan ngunit napatigil siya ni world rated Shingo Wake.

Pero kaagad nagtala ng dalawang panalo via knockouts si Aligarbes noong 2015 laban sa mga kababayang sina Elmar Francisco at Edil Bastian kaya napaganda ang kanyang kartada sa 12-3-0.

Dating Mexican flyweight champion si Jimenez na minsang tinalo sa puntos ang beteranong Pilipino na si Juanito Rubillar noong 2011 sa Queretaro, Mexico.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Matagal nang hawak ni Jimenez ang WBC bantamweight title at umaasa siyang hahamunin si WBC bantamweight champion Shinsuke Yamanaka ng Japan kaya kailangang manalo siya kay Aligarbes. (Gilbert Espena)