KATHMANDU, Nepal (AP) – Nasawi ang isang lalaking Dutch at isang babaeng Australian sa altitude sickness habang bumababa mula sa tuktok ng Mount Everest. Ito ang unang kaso ngayong taon ng pagkamatay sa pinakamataas na bundok sa mundo.

Si Eric Arnold, 35, ay may sapat na bottled oxygen, maging ang kanyang mga kasamahan sa pag-akyat, ngunit ininda niya ang panghihina at tuluyan na ngang namatay noong Biyernes ng gabi, malapit sa South Col, pahayag ni Pasang Phurba ng Seven Summit Treks agency sa Kathmandu, Nepal.

Nakitaan din ng panghihina si Maria Strydom noong Sabado ng hapon bago siya mamatay, iniulat ng Australian media.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina