KALIBO, Aklan – Pinag-aaralan ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang sinasabing ticket scam na kinasasangkutan ng ilang empleyado ng Kalibo International Airport.

Ayon kay Odon Bandiola, secretary ng Sanguniang Panlalawigan, sumulat na siya sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para ipahayag ang interes sa pagsasagawa ng lalawigan ng sarili nitong imbestigasyon.

Kinumpirma ngayong linggo ng CAAP Central Office na sinibak na mula sa ahensiya ang 11 empleyado ng paliparan matapos madiskubreng nire-recycle umano ng mga ito ang mga terminal fee ticket.

Enero at Pebrero ngayong taon umano ginawa ang pagre-recycle ng terminal fee tickets; P200 ang ibinabayad ng mga domestic passenger, habang P500 naman sa international flights. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?