EDINBURGH (AP) – Inalisan ng karapatan ang Muirfield na maging host ng pamosong British Open bunsod ng pagboto laban sa pagtanggap ng mga babaeng miyembro.

Ipinahayag ng Honourable Company of Edinburgh Golfers, nangangasiwa ng Muirfield, na pinagtibay ng pamunuan ang “male-only policy” matapos ang isinagawang botohan sa naturang golf club na may 616 na miyembro.

Kailangan lamang ang two-thirds na boto ng majority para magkabisa ang pagbabago.

Dahil dito, ipinahayag ng Royal and Ancient, nangangasiwa sa British Open, na inalis na sa listahan ng 10-courses venue ng pinakamatandang golf major championship ang Muirfield.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

“Going forward we will not stage the Championship at a venue that does not admit women as members,” pahayag ni R&A chief executive Martin Slumbers.

“If the policy at the club should change, we would reconsider Muirfield as a venue for The Open in future.”

Mula noong 1892, naisagawa sa Muirfield ang British Open sa 16 na ulit, huli’y nitong 2013 kung saan nagwagi si Phil Mickelson.

Ikinadismaya naman ni British sports minister David Evennett ang desisyon ng mga miyembro ng Muirfield na aniya’y “sends out completely the wrong message.”