MICHAEL AT EDGAR ALLAN copy

TUNGKOL sa relasyon ng dalawang lalaki ang naging takbo ng usapan sa presscon ng pelikulang Pare, Mahal Mo Raw Ako na pinagbibidahan nina Michael Pangilinan at Edgar Allan Guzman na ipapalabas na sa Hunyo 8 at suportado ng LGBT community.

Diretsahan ang tanong kina Michael at Allan kung posible bang ma-in love sila sa bading.

Si Edgar Allan ang gumaganap na bading sa pelikula at inamin niyang may kuya siyang bading, kaya ito ang naging peg niya.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Humuhugot ako sa kapatid ko na bakla, eh. Alam ko ‘yun, eh,” kuwento ni EA. “Kasama ko araw-araw ang kapatid ko, ramdam ko kung kailan siya masaya. Alam ko kung kailan siya may pinagdadaanan. Every scene na may saya, may kurot, may sakit, ang kapatid ko ang pinaghuhugutan ko kasi ‘pag iniisip ko ‘yun naiiyak na ako, eh.

“Alam ko naman kung gaano kayo (gays) magmahal sa isang lalaki, kung gaano kabigat, kung gaano kalaki. Kaya ‘pag nasaktan kayo, sobra rin. ‘Pag siya ang naiisip ko nata-touch na ako at nakakatulong sa akin ‘yun.”

Mataas ang respeto ng aktor sa mga bading lalo’t bading din daw ang nasa likod ng career niya na pangalawang ama na kung ituring niya.

Wala pa raw naging karelasyong bading si Edgar Allan, at hindi niya isinasara ang pintuan niya pagdating ng panahon.

Pero sa ngayon, malinaw sa kanya na hanggang kaibigan lang ang pakikitungo niya sa gays at babae pa rin daw ang gusto niya. (REGGEE BONOAN)