BEIJING (AP) - Inaresto ng China ang 135 katao sa 22 probinsiya dahil sa pagbili at pagbebenta ng ilegal na bakuna.

Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ng national prosecuting office na ang arrest warrant ay inisyu sa 125 katao dahil sa pangangasiwa sa negosyo sa bakuna nang walang lisensiya.

Ayon sa tanggapan, 15 sa mga ito ang pormal nang kinasuhan, at dalawa ang napatunayang guilty. Sampung health official naman ang inaresto sa kapabayaan.

Ang mga akusadong health official ay naglingkod sa mga lokal na public health center at ipinagpapalagay na roon nila binili ang mga ilegal na bakuna at ginamit ito sa mga tao, ayon sa prosecuting office.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina